Love is blind.

Love is blind.

Kamukha niya si Robin Padilla, kamukha ni si Marian Rivera, ganyan raw nila ilarawan ang isa’t isa. Nagpakasal sila khait hindi nila nakikita ang knilang mga itsura. Pareho kasi silang bulag.

“Kahit ganito kami, masaya kami”, Obet. “kung magmahal ang isang bulag, totoo, hindi maiisipang manloko at seryoso sa buhay,” Rowena.

Si Dodo ay ang kanilang isang taong gulang na anak, ang siya nilang kinukuhanan ng lakas upang harapin ang hapon sa buhay. Ngunit paano ng ba palalakihin ng dalawang bulag na magulang ang kanilang anak?

Ang mag asawa ay naninirahan sa Zamboanga del Norte.

“Masaya ako dahil may alaga kami,” Rowena. “Nung una nahirapan ako kasi wala akong karanasan sa sanggol, tinuruan ako ng kapatid ni Obet.

Si Rowena ang nag aalaga kay Dodo at si Obet naman ang nagluluto ng kanilang kakainin. Para matantsa ang apoy, kailangan ilapit ni Obet ang kanyang kamay dito, kinakapa rin ang kaldero upang malaman kung kumukulo na ang iniluluto. Kapa kapa na lang rin kapag papakainin ang kanilang anak. At kapag tulog na si Dodo ay saka lamang nila nagagawa ang ibang gawaing bahay. “Kinakabisado lang namin ang mga gawain para masanay kami.”

Sa panlilimos binubuhay ni Obet ang kanyang mag ina, kasama niya sila sa pag iikot. Habang karga ang anak, meron siyang basting kahoy para umalalay.

Sa haba ng kanilang araw sa panlilimos, nakakatulog na lamang ang kanilang anak. Ang kinita sa araw na iyon, pambibili ng gatas ni Dodo. Ang natira, bigas at ulam.

Si Rowena ay nabulag matapos magkatigdas noong siya ay bata pa lamang. Maaga rin siyang naulila kaya siya ay nanilbihan sa murang edad. Dalawang taon naman si Obet noong siya ay naaksidente sa upos, sanhi ng kanyang pagkabulag.

Dumating ang dalawa sa puntong gusto na nilang mamatay dahil sa lungkot at hirap na sanhi ng kanilang karamdaman. Napagsasabihan rin silang wala silang silbi  ng kanilang mga kaanak.

Taong 2012, nagkakilala ang dalawa, binigyan ang bawat isa sa kanila ng katuwang sa buhay. Nakuha ni Obet ang numero ni Rowena upang madali raw niya itong matawagan, “Weng, meron akong sasabihin sa iyo, I  love you”, kwento ni Rowena. Hindi raw kabisado ni Obet ang tirahan ni Rowena ngunit buo ang loob niya at tuna yang kanyang pagmamahal para dito.

Matapos ang mahigit isang buwan, naging sila. Ngunit marami man hadlang ay mahal na mahal nila ang isa’t isa.

Ang pinakamasalimuot daw na parte ng pagiging magulang ay noong naospital ang kanilang anak. “Naramdaman kong walang tutulong samin,” sabi ni Obet. “kawawa talaga ang kalagayan naming noon. Kami lang ang nagsumikap, walang tumulong sa amin sa ospital.”

May kumalat pang bali balita na kukuhanin ng DSDW ang kanilang anak dahil kulang ang kakayanan nilang maging magulang. “Kukuhanin nila ang anak ko, patayin muna nila ako”, Obet. “Importante sa amin ang aming anak, hindi mo matutumbasan ng anumang bagay sa mundo.” Rowena.

Sa ngayon ay doble kayod si Obet sa hanap buhay dahil nagdadalang tao muli ang kanyang kabiyak na si Rowena.

“Rowena mahal kita, ikaw ang gusto kong makasama sa buong buhay ko, kahit anong pagsubok kakayanin ko para sa iyo at para sa pamilya natin, I love you.” Obet.

“Tatagal tayo habang buhay, anumang mangyari, sana malampasan natin. I love you too.” Rowena.


Click Here to Visit