Kambal na hindi nabuo!

Kambal na hindi nabuo!

Sa unang tingin, mukhang normal na 14 year old na estudyante si Veronica. Ngunit napag-alaman na mayroong pa lang mabigat na dinadala ang dalaga, ang kaniyang kambal na hindi nabuo.

There is an oblong-shaped body part protruding from her abdomen and at the end of it, what looks like a tail. The strange thing about it? The oblong-shaped body part actually has muscles.

Ayon sa nanay ni Veronica na si Nanay Flora, noong buntis siya, kutob na niya na kambal ang pinagbubuntis niya. Pinangalanan na nga niya ang dalawa. Ngunit sa kasamaang palad, si Veronica lamang ang nabuhay.

Hindi kasi nabuo ng maayos ang kakambal ni Veronica sa sinapupunan ni Nanay Flora. Dumikit ito sa kaniyang katawan. Makikita sa kaniyang dibdib ang bahagi ng dalawang kamay na mayroong tig-dalawang daliri na mayroong ding mga kuko. Mayroon ding mukhang hita na nakadikit malapit sa kaniyang tiyan na tila mayroong buntot. Ang nakapagtataka pa ay tila mayroong muscles ang bahagi na ito. Madalas daw na may lumalabas na fluid sa pusod ni Veronica, minsan may kasama itong dugo.

These extra body parts actually came from her supposed twin who ceased development during gestation.

Nang ipanganak si Veronica, pinagpayuhan na raw sila na ipatanggal ang kambal na hindi nabuo. Ngunit dahil sa kakulangan ng pera, hindi ito nagawa.

Ang kundisyon ng pagdidikit ng kambal na hindi nabuo sa buhay na kambal ay tinatawag na parasitic twin. Ayon sa BabyMed, nangyayari ito kapag dumidikit depektibong kambal sa kaniyang kambal para mabuhay o mag-survive.


Click Here to Visit