JR “Mano” Velasquez, 69 years old Coconut Peeler

JR “Mano” Velasquez, 69 years old Coconut Peeler

His only job, coconut peeling is dangerous because he’s blind. He is just an ordinary coconut peeler but in his situation, it is very dangerous.

“Ilan po ang nababalatan niyo sa isang araw lolo?, tanong sa kanya. “Hindi pare pareho, merong dalawa o tatlo (sako) ganun,” sagot ni lolo Mano.

“Sinong nagsasaing sa inyo?” “Ako”, “ha? Eh bulag ka.” “Oo, nagluluto rin ako,” Lolo Mano answered.

Lolo Mano is from Davao Oriental is 69-year-old. Every day he is wake up early to prepare himself for his food. Tinatantsa na lamang ni lolo ang mga kamagitan upang hindi siya masugatan sa pagluluto.

Pagbabalat ng niyog ang hanap buhay ni lolo, kinokontrata siya kapag may babalatan, kung wala naman ay pumipirme lang siya sa bahay.

“Kung merong gustong magpabalat, sinusundo nila ko ng motor, pinapasakay nila ko.”

“Iba siya magbalat ng niyog kasi tuloy tuloy. Hindi kagaya ng mga katulad namin na maayos ang paningin pero pahinto hinto,” kwento ng may kakilala kay lolo Mano.

Although he is blind, he is quick and efficient. But sometimes he still get injured.

“Itong kamay ko minsan sumasakit. Basta konti lang ang babalatan hindi masakit. Pero kapag marami ang babalatan, ang sakit,” lolo.

Nasa humigit kumulang 1000 niyog ang kaya niyang balatan, ang kanyang kita, P300 kada araw.

“Marangal itong pagbabalat, kasi kahit konti kita, nakakakain pa rin,” lolo. “Kaya mas pinag husayan ko.”

Matapos ang maghapong pagbabalat, mag isang tinatahak ni lolo ang daan pauwi, nakayapak na naglalakad sa mabato at maputik na daan. Kapag may natitira pa siyang lakas ay tinatapos nya ang gawaing bahay.

Isang pangyayari sa buhay ni lolo Mano ang bumago sa araw araw nitong pamumuhay. Napag bintangan siya ng kanyang bayaw na pinagsamantalahan daw niya ang anak nito. Hindi siya nakulong dahil hindi totoo ang bintang ngunit siya ay napalayas sa kanyang tinitirhan. Mabuti na lamang at merong kamag anak na nagpatuloy sa kanya sa kanilang maliit na kubo.

Sa tuwing nalulungkot daw si lolo ay musika ang kanyang laging takbuhan. Madalas rin siyang naaanyayahang kumanta tuwing may okasyon pero nanghihiram lang siya ng gitara.

Napakahirap isipin kung pano siya nabubuhay sa dilim. Kaya tayong mga nakakakita ay magsilbing liwanag sa iba.


Click Here to Visit