Paano Kikita sa Pagiging Youtuber?

Paano Kikita sa Pagiging Youtuber?

Paano Kikita sa Pagiging Youtuber?
Loading...
Loading...
Loading...

Makabago na ang panahon ngayon at kasabay ng pagbabago, mas nagiging mapaghanap ang mga tao kung paano nila maipapahayag ang kanilang mga sarili. Kung dati, sa pagpopost lang sa mga social media platforms ang nakakahiligan ng mga tao, ngayon pati ang pagpopost ng videos ay isa na rin sa mga paraan ng pagpapahayag ng sarili.

Kasabay ng ‘hobby’ na ito, alam mo ba na pwede ka ring kumite dito?

Ayon sa Google, may iba’t ibang paraan kung paano ka kikita sa YouTube at eto ang ilan sa mga paraan:

 

Mga paraan para kumita sa Partner Program ng YouTube

Puwede kang kumita sa YouTube sa pamamagitan ng mga sumusunod na feature:

  • Kita sa advertising: Makakuha ng kita sa ad mula sa mga display, overlay, at video ad.
  • Mga channel membership: Paulit-ulit na nagbabayad buwan-buwan ang iyong mga miyembro kapalit ng mga espesyal na perk na iniaalok mo.
  • Shelf ng merchandise: Puwedeng mag-browse at bumili ang iyong mga fan ng opisyal na merchandise na may brand na ipinapakita sa mga page mo sa panonood.
  • Super Chat: Nagbabayad ang iyong mga fan para ma-highlight ang kanilang mga mensahe sa mga stream ng chat.
  • Kita sa YouTube Premium: Makakuha ng bahagi ng bayad sa subscription ng isang subscriber sa YouTube Premium kapag pinanood niya ang iyong content.

Minimum na mga kinakailangan sa pagiging kwalipikado para ma-on ang mga feature ng monetization

 

 

Mga Kinakailangan

Kita sa ad

  • Maging 18 taong gulang pataas o magkaroon ng legal na tagapag-alagang mas matanda sa 18 taong gulang na puwedeng mangasiwa sa iyong mga pagbabayad sa pamamagitan ng AdSense.
  • Makagawa ng content na nakakatugon sa aming mga alituntunin sa content na angkop sa advertiser

Mga channel membership

  • Maging 18 taong gulang pataas
  • May mahigit 30,000 subscriber
  • Walang strike sa Mga Alituntunin ng Komunidad

Shelf ng merchandise

  • Maging 18 taong gulang pataas
  • May mahigit 10,000 subscriber
  • Walang strike sa Mga Alituntunin ng Komunidad

Super Chat

  • Maging 18 taong gulang pataas
  • Nakatira sa bansa/rehiyon kung saan available ang Super Chat

Kita sa YouTube Premium

  • Makagawa ng content na pinanood ng manonood na isang subscriber ng YouTube Premium

 

Ayon kay Alex Gonzaga, isa sa pinakasikat na YouTube Influencer sa kasalukuyan, ang kita sa Youtube ay depende sa views na matatanggap mo. Magsisimula kang kumite kapag umabot na ng 1,000 ang subscribers mo. However, may pagkakataon na pwedeng ma demonetised ang iyong kita kapag may nagamit kang mga materyales tulad ng kanta na may copyright. Ibig sabihin, kapag may copyright, kung sino ang original na may ari ng ginamit mong kanta, sa kanya mapupunta ang kinita mo para sa video na iyon.

What's Your Reaction?

like
0
dislike
0
love
0
funny
0
angry
0
sad
0
wow
0
Loading...
Loading...
Loading...