Magpapahinga Pero Hindi Susuko!

Never Say Die

Magpapahinga Pero Hindi Susuko!
Loading...
Loading...
Loading...

Pagod ka na ba? Gusto mo na bang sumuko? Nagsasawa ka na ba? Paulit-ulit na lang ba lagi? Napanghihinaan ka na ba ng loob? 

Kung OO ang sagot mo sa lahat ng tanong na iyan, pwes, hindi ka nag-iisa! Madaminh tao ang hirap sa buhay nila. Madaming tao ang hindi na alam kung ano ang gagawin nila. Madaming tao na ang napanghihinaan ng loob at sumusuko na sa hamon ng buhay. Madami dyan, sumuko na. Madami dyan napanghinaan na ng loob at umayaw. Madami dyan hindi na kinaya ang hirap at problema at bumitiw na, pero ipakita mo sa kanila na iba ka! Na kaya mo! 

Ilang taon ka na ba? Kung bata ka pa, dapat matapang ka. Isipin mo na lahat ng bagay nangyayari para subukan ang kakayahan mo. Lagi mong isaisip na yung magulang mo nagdaan din sa ganyan, yung mga tita at tito mo, yung lolo at lola mo, yung nanay at tatay ng best friend mo. Bat sila nakaya nila? Bat ikaw hindi mo kakayanin? Kung napanghihinaan ka na ng loob, ASK FOR HELP AND GUIDANCE. Wala namang bayad yun kung kakausapin mo yung nanay mo o kapatid mo. Communication is the key to make yourself a little bit stronger. Kasi habang kinikimkim mo yan lahat sa loob mo, mas lalo ka pang mahihirapan.

Kung medyo may edad ka na, mas lalo na dapat kang mas maging matapang! Imagine, you’ve been in this world for quite a long time already and yet eto ka pa rin at lumalaban. You should be proud for all of your accomplishments and make these as your motivation. Ang dami mo nang napagdaanan, ngayon ka pa ba susuko? You can also try to seek HELP from the others. Pwedeng sa mas matanda sayo, sa mas bata sayo, o kung nahihiya ka sa mga professional. Madaming paraan pero hindi kasali dun yung susuko ka. You’ve made it this far, laban lang!

Sa totoo lang, madalas ng problema natin ay superficial lamang, panlabas lamang. Iba-iba rin tayo ng paraan ng pagtanggap sa mga problema. Yung iba kahit napakabigat ng pagsubok, chill lang. Hindi nahihirapan, marunong magdala. Yung iba naman parang katapusan na ng mundo at sobrang hirap na hirap na kahit napakasimple lang naman ng problema katulad ng pagbasted sa kanila ng nililigawan nila or pinagpalit ka sa iba. Simple lang yun, maniwala ka. May mas mabibigat pa dyan kaya wag kang umarte na pasan mo ang mundo dahil HINDI!

May mga taong madaling tamaan ng depression. Hindi ito biro at hindi mo iisipin na tinataglay pala nila yun kasi mukha naman silang masaya at kontento sa buhay. Kapag nasa ganun na ang nararamdaman mo, please lang seek professional help. Wag na wag mong sarilinin ang problema. Reach out. Never kong maiintindihan kung ano yang nararamdaman mo but please, the world has so much to offer. Wag mong kitlin ang buhay dahil gusto mong takasan lahat. Isipin mo yung mga maiiwan mo kung sakali, mahihirapan sila at baka hindi nila matanggap. 

Kung pagod ka na at nawawalan ka na ng pag-asa, MAGPAHINGA KA. Pero wag kang susuko. Alam ko walang madaling problema pero kapag nalagpasan mo lahat ng iyan, mas magiging matapang ka, mas lalakas ka, mas magiging matatag ka. Dadating ang panahon na tatawanan mo nalang lahat-lahat ng bagay na pinroblema mo noon. Kasi sa totoo lang naman, hindi ka nag iisa. Madami dyan nasa kaparehong sitwasyon mo pero sila ba nakita mong sumuko? Make them as your inspiration. Nakita mo yung mga bata sa kalye? Yung mga taong grasa na palakad-lakad at walang bahay? May nagpakamatay ba sa mga yan? Di ba wala? Tignan mo yung mga tao na nakatira sa mga liblib na lugar, walang kuryente, mahirap ang buhay pero nakakayang ngumiti. Ikaw, ipagkakait mo ba yun sa sarili mo? 

Kung kaya ng iba, mas kaya mo! 

Magpahinga ka lang, pero wag kang susuko!!

 

 

What's Your Reaction?

like
0
dislike
0
love
0
funny
0
angry
0
sad
0
wow
0
Loading...
Loading...
Loading...