KAYAMANANG HINDI MANANAKAW

Edukasyon! KAYAMANANG HINDI MANANAKAW

KAYAMANANG HINDI MANANAKAW
Loading...
Loading...
Loading...

Kayamanang Hindi Mananakaw

 

Lagi nating maririnig sa ating magulang na ang tanging maipapamana lamang nila para sa kanilang mga anak ay ang edukasyon. Nagsusumikap sila upang itaguyod ang pag-aaral ng kanilang mga anak upang pagdating ng araw, guminhawa ang buhay ng mga ito at hindi matulad sa kanila na pagsasaka lang ang ikinabubuhay, walang permanenteng trabaho at pawang mga hindi nakaabot ng kolehiyo.

Sa isip ng ating mga magulang, na kapag nakapagtapos ang kanilang mga anak, may maganda ng kinabuksan na naghihintay sa kanila. May magandang kumpanya na magbibigay ng trabaho at magkakaroon ng malaking sahod. Pero bakit ganun? Madami ng kabataan na ayaw mag-aral. Na kung sino pa yung may mga kaya sa buhay, sila pa iyong mga ayaw magsipag sa pag-aaral. Yung mga kabataang walang-wala, sila pa yung nagpupursigi na magtapos. Bakit nga ba?

Sa panahon ngayon, napakarami ng paraan para makapag-aral ka. Madaming mga fastfood chains ang tumatanggap ng part time employees kung saan binibigyan nila ng konsiderasyon ang schedule ng klase ng estudyante upang sa ganun ay makapasok ito sa trabaho at kumita habang nag-aaral. Kalimitan ang mga Local Government Unit din ay nagbibigay ng scholarship para sa pag-aaral ng kolehiyo. Madaming pulitiko ang nagbibigay ng tulong pinansyal para sa mga masisipag at matatalinong mag-aaral. Ang mga State Colleges ay libre na ang tuition fees. May mga eskwelahan din na libre para sa mga teknikal na skills.

Madaming paraan kung gusto, madaming dahilan kung ayaw mo. Hindi dahilan ang kahirapan para makapag-aral. Hindi dahilan yung kapatid mon a bata pa at walang mag-aalaga. Hindi dahilan na ikaw ang breadwinner sa pamilya. Hindi dahilan ang barkada o bisyo. Hindi dahilan yung masungit mong guro o yung bully mong kamag-aral. Hindi dahilan na binasted ka ng nililigawan mo. Hindi dahilan na may girlfriend na yung crush mo at pinaasa ka nya. Dahil kapag pursigido ka sa isang bagay, walang makakapigil sayo.

Lagi mong tatandaan na lahat ay panandalian lamang. Yung hirap ng assignments, projects, thesis, lahat yan lilipas din. Pero yung degree mo, yung tinapos mong kurso, yung pagmamalaki ng parents mo sa diplomang hinandog mo kasabay ng pagmarcha nyo sa entablado? Yun ang panghabang buhay. Yung magandang future na maihahandog mo sa magulang mo at sa magiging pamilya mo, yun yung importante.

Swerte ka kung hindi mo kailangang maghirap para sap ag-aaral mo, pero sa mga estudyante na alam ang hirap para kumita ng salapi, saludo ako sa inyo. HAPPY GRADUATION BATCH 2019!

 

What's Your Reaction?

like
1
dislike
0
love
1
funny
0
angry
0
sad
1
wow
0
Loading...
Loading...
Loading...