Home Remedies Para Kuminis at Pumuti

Home Remedies Para Kuminis at Pumuti

Home Remedies Para Kuminis at Pumuti
Loading...
Loading...
Loading...

PATATAS

Paano pumuti ang balat gamit ang katas ng patatas? Sundin lamang ang sumusunod na mga hakbang para makamit mo ang hangarin mong pumuti. Makatutulong din ang pamamaraang ito sa pag-moisturize ng iyong balat.

  1. Maggadgad ng 1 hilaw na patatas na katamtaman ang laki, at pigain para makuha ang katas.
  2. Paghaluin ang 3 kutsarang katas ng patatas at 2 kutsarang pulot. Haluing mabuti.
  3. Ipahid sa mukha o sa iba pang bahagi ng katawan ang mga pinaghalong sangkap, at iwanan ito sa loob ng 10 hanggang 15 minuto.
  4. Banlawan ito ng maligamgam na tubig. Gawin ang pamamaraang ito araw-araw hanggang pumuti ang iyong balat.

Image result for potatoes

KALAMANSI

Ang kalamansi o Citrus microcarpa ay katutubong halaman sa Pilipinas at iba pang bansa sa Timog-silangang Asya. Ang balat at katas nito ay may alkalizing effect sa ating katawan, kaya epektibo ito sa pagpapaputi ng balat. Sundin mo ang sumusunod na mga hakbang para pumuti ang iyong balat.

  1. Hiwain mo ang kalamansi sa dalawa. Pigain mo ang katas ng isang hati sa platito o anumang malinis na lalagyan. Itabi sa refrigerator ang isa pang hati.
  2. Isawsaw ang bulak sa katas ng pinigang kalamansi. Pagkatapos ay ipahid mo ito sa iyong mukha, leeg, batok, siko, kilikili, tuhod, o mga bahagi ng katawan na gusto mong pumuti.
  3. Maghintay ng 15 – 20 minuto bago mo banlawan ang bahaging pinahiran ng katas ng kalamansi. Mas mainam kung maligamgam na tubig ang gagamitin mo. Huwag kalilimutang mag-moisturize pagkatapos para mas maganda ang epekto.
  4. Maaari mong gawin ang pamamaraang ito nang dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo. Huwag itong gawin araw-araw dahil makasisira ito sa iyong balat.

Image result for kalamansi

Aloe Vera

Ang sabila o aloe vera ay halamang nagtataglay ng mga sangkap na nagpapagaling ng iba’t ibang karamdaman o kondisyon sa katawan. Kilala rin ito sa pagpapaputi ng balat. Sinasabing ito ang ginamit ni Cleopatra para pumuti at maging glowing ang kaniyang balat.

Ngayon, paano pumuti gamit ang sabila? Maraming paraan ng paghahanda nito. Isa na rito ang sumusunod na ang pangunahing layunin ay makontrol ang pagdami ng melanin:

  1. Paghaluin ang 1 kutsarita ng dagta ng sabila, 1 kutsarita ng gatas, at 1 kutsarita ng pulot.
  2. Ipahid ang pinaghalong mga sangkap sa mukha bago matulog. Huwag itong banlawan.
  3. Kinaumagahan, maghilamos ng maligamgam na tubig.
  4. Ulitin ang pamamaraang ito araw-araw hanggang pumuti ang iyong balat. Wala itong masamang side effects.

Image result for aloe vera

MGA TIP SA PANGANGALAGA NG BALAT

Mawawalan ng saysay ang iyong pagpapaputi kung hindi mo naman aalagaan nang wasto ang iyong balat. Narito ang ilang tips upang maging mas epektibo ang iyong pagpapaputi.

Uminom ng maraming tubig. Wala pa ring tatalo sa tubig sa pag-hydrate ng balat. Uminom ng tubig kahit hindi nauuhaw. Hindi man ito nakapagpapaputi, napananatili naman nito ang kalusugan ng iyong balat. At kung malusog ang balat, mas madali na lang sa iyo ang magpaputi.


• Magpahid ng sunblock araw-araw. Ang labis na pagbibilad sa araw ay maaaring magdulot ng pagkasunog ng balat, hindi pantay na kulay nito, o skin cancer. Kaya kailangan mong gumamit ng sunblock kung lalabas ka ng bahay, lalo na kung magpupunta ka sa beach. Gamitin din ito kahit na maulap dahil tumatagos pa rin ang mapaminsalang UV radiation.


• Tigilan na ang paninigarilyo. Hindi lamang ito masama sa kapaligiran, napasasama rin nito ang iyong kalusugan (at ang kalusugan ng mga nakalalanghap nito). Bukod sa sinisira nito ang iyong baga, ginagawa rin nitong tuyot ang iyong balat na isa sa mga sanhi ng pangungulubot nito.


• Kumain ng masustansiyang pagkain. Kumonsumo ng mga pagkaing mayaman sa bitamina at mineral. Makatutulong kung kakain ka ng mga gulay at prutas na mayaman sa bitamina A, C at E para lumusog at pumuti ang iyong balat.

 

Tandaan, wala pa ring tatalo sa natural na pamamaraan sa pagpapaputi ng balat. Siguruhin ding mapanatili ang kalusugan ng balat habang nagpapaputi.

 

Source: https://kalusugan-blog.com/natural-na-mga-pamaraan-para-pumuti-ang-balat/

What's Your Reaction?

like
0
dislike
0
love
0
funny
0
angry
0
sad
0
wow
0
Loading...
Loading...
Loading...