Batayan ng Kagandahan

Batayan ng Kagandahan

Batayan ng Kagandahan
Loading...
Loading...
Loading...

Kung pagbabasehan ang mga sagot ng beauty queens sa mga pageants, lagi nilang isasagot na nag kagandahan ay higit pa sa pisikal na anyo ng tao, na beauty is in the eye of the beholder at ang kagandahan ay lumilipas din. Pero sa totoong mundo, paano mo ba masasabi na maganda ang isang tao?

Sa totoong buhay, hindi ka naman unang maaattract sa ugali dahil malalaman mo lang naman ang ugali ng isang tao kapag nakilala mo na ito. Sa umpisa, sa ‘looks’ talaga tayo nakabase. Yung parang, ‘Uy, pare, ang ganda! Kunin mo yung number!’ hindi naman ‘Uy Pare, parang ang bait nun ah. Kunin ko nga yung number!’ Aminin mo man o hindi sa sarili mo, sa itsura nakabase kung lalapitan mo ang isang tao, kung kakaibiganin mo o kung liligawan mo. Hindi naman lahat, pero mas lamang na totoo to sa karamihan.

Pero ano baa ng batayan ng kagandaan?

Maputing balat?

Matangos na ilong?

Matangkad?

Sexy/Macho?

Makinis?

Bawat tao, iba-iba ang magiging sagot dyan. Yung iba maaaring sa paningin nila maganda ka kapag may dimples ka, yung iba nagagandahan yung medyo malusog. Yung iba mas gusto yung maliit. Iba-iba ng perception ang bawat tao sa kung ano ang maganda sa kanila. Pero hindi ibig sabihin nun na hindi ka na maganda. Hindi ibang tao ang magdidikta ng pamantayan ng kagandahan. Hindi yung mga nakikita mo sa Facebook, Instagram at YouTube ang magsasabi na dapat ganito ang maganda. Hindi yung mga artista sa telebisyon at commercial ang magiging ehemplo mo sa magiging itsura mo. Hindi yug mga banyaga na makukulay ang buhok ang magsasabi na yun ang kagandahan kundi ang sarili mo. Ikaw ang magdedecide kung paano mo nakikita yung sarili mo bilang magandang tao.

True beauty is accepting yourself but not limiting yourself to become more beautiful. Ang kagandahan ay pagiging maganda sa alam mong paraan. Kung masaya ka sa mga make-ups mo, kung gusto  mo ipabago ang mukha at katawan mo, ayos lang yan! Gawin mo yan para sa sarili mo at hindi upang magpa impress sa ibang tao.

Tandaan mon a lahat ng mga yan ay maaaring mawala pero yung sarili mo, hindi mo pwedeng iwala dahil yan lang ang matitira sayo pagdating ng panahon.

What's Your Reaction?

like
0
dislike
0
love
0
funny
0
angry
0
sad
0
wow
0
Loading...
Loading...
Loading...